19.5 C
Toronto
Thursday, May 23, 2024
Home Literary Dalamhati

Dalamhati

0
Dalamhati
Paulina Corpuz (June 22, 1963- Nov 6, 2022)

Ka Ben,

Sa pagpanaw ni Joyce,

sa pagdadalamhati

kasama mo kami.

Subalit magkaisa rin

tayo sa pagdiriwang

at pagbubunyi

ng iba’t ibang bahagi

ng kanyang buhay.

Na sa kabila

ng gabundok

na hamon,

kanyang inialay

sa pagbubuo

ng isang pamilyang

hinubog

sa pagmamahal.

At sa pag-ukit at

paghawan ng landas

tungo sa isang

maaliwalas na bukas

para kay Inang Bayan.