9 C
Toronto
Thursday, November 7, 2024
Home Campaigns Hustisya para kay Jory Porquia!

Hustisya para kay Jory Porquia!

0
Hustisya para kay Jory Porquia!
Jory Porquia, the staunch coordinator of the Bayan Muna Partylist in Iloilo City, was assassinated on April 30, 2020. During the pandemic, he was brutally murdered while assisting a community kitchen for the urban poor.

Tatlong taon ang nagdaan nang walang-awang pinaslang si Jory Porquia, magiting na Bayan Muna Party-list coordinator sa Iloilo City. Abala si Jory noon sa pag-organisa ng mga community kitchen para sa mga maralitang lungsod at iba pang nangangailangan sa kasagsagan ng pandemya.

Mananatiling buhay sa alaala ng mga kasama at kapamilya ang pagmamahal ni Jory sa masang pinag-alayan nya ng kanyang buhay.

Survivor si Jory ng Martial Law ng diktaduryang Marcos Sr. noong siya ay kabataang-lider ng League of Filipino Students – Panay. Pagkatapos ay naging aktibo siya sa pag-oorganisa ng overseas workers sa Middle East at Tsina. Pagbalik niya sa Pilipinas, naging aktibong organisador siya ng Migrante Panay at kalaunan ay isa sa mga nagtayo ng Bayan Muna party-list.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ng kanyang pamilya ang hustisya, gayundin ng mga kapwa nya biktima ng extra judicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sama-sama tayong kumilos upang panagutin si Duterte sa ICC, at labanan ang mga kasalukuyang paglabag sa karapang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. -Sara Duterte. 

#JusticeForJoryPorquia

#ActivismIsNotTerrorism

#StopTheKillings 

#StopEJK