
Tula ni Balinghoy
Bayan kong matagal nang tumataghoy
Mga alaala ko sa iyo sa aking ugat dumadaloy
Tangis at lungkot mo taglay sa puso ko
Damdamin ng iyong pighati gayun pa may dugo kong kumukulo
Gitna ng gabi malinaw kang salamisim
Kung ang tingin mo’y kung pinabayaan kita huwag mong isipin
Sa bangis ng unos dagundong ng kidlat, naanod sa along rumaragasa
Biglang nawala sa hapis sa lumbay ikaw ay nagtaka?
Kahit man di tanaw sa ibayong dagat may mga bago kang anakbayan pagkilos ay taimtim
Masigla at walang pahimakas na inabot sa iyong piling
Sumikad ang mga mulat na kaisipan batid ng budhi
Tatlong Suliranin na pangunahin
Hindi sila magulantang at lalong gising buong sigasig mga balakid kakalabanin!!!
___________________________________
Artwork by muralist, art educator, Co-founder of Migrante BC (2008 – ) and the PANCIT Arts Collective (2012- ) Bert Monterona. See his other artworks here or at https://bertmonterona.com/portfolios/continuing-revolution/
