Anita Aguirre-Nieveras: “There are bits of information about this poem which was written [in the 1960s] by Dr. Marcial Aguirre, Sr. and yours truly Anita Aguirre Nieveras when we were teaching at the Philippine State College of Aeronautics.”
“It traces the struggle of the Filipinos against the colonizers — Spanish, Americans, and the short-lived Japanese regime until we got our independence and were able to use our own national language — Tagalog. I mention names of places like Balintawak, Pasong Tamo, and Binakod where the revolutionaries fought and won with too much bloodshed.”
“Malolos is a capital town of Bulacan, a province next to Manila where the first Philippine Republic was proclaimed. Balagtas wrote the epic poem Florante at Laura and Lope K. Santos, Banaag at Sikat, both patriotic literary works. Batute, Collantes and Gatmaitan were Tagalog poets and writers. Katipunan is the Revolutionary organization led by Andres Bonifacio and Emilio Aguinaldo. Kundiman is Filipino music or song, and Tagalog comes from the word Taga-Ilog meaning one who lives by the river. “
Ang Wikang Tagalog
I.
Lahi ka bang kayumanggi nang likhain ka ng Diyos?
Ikaw baga’y Silanganin, Pilipino, Taga-Ilog?
Sa uyayil na malambing doon ka ba pinatulog?
At ginising sa kundiman at tulaing maindayog.
II.
Alam mo bang Balintawak, Pasong Tamo at Binakod?
At saka ang Republikang nagwagayway sa Malolos?
Kung gayon ang iyong wika na matamis at malamyos,
Marangal at mapang-akit, maalamat na Tagalog.
III.
Ito’y wika, namanamin mo’t anong sarap!
Bigkasin mo’t anong lamyos, pakinggan mo’t anong timyas.
Iyang ‘Florante at Laura’ saka ‘Banaag at Sikat’
na ebanghelyo ng lahi’y sa Tagalog isinulat.
IV.
Ito’y wikang anong lambing, ito’y wika ni Balagtas,
Ito’y wikang isinigaw ni Andres sa Balintawak;
Ito’y wika ng lahi ko, kapag ito ay kumupas,
Ay kasamang maglalaho, nitong bayang Pilipinas.
V.
Ito’y wikang tatlong siglong inalipin ng dayuhan,
Pinaluha at inalo sa dasal at kumpisalan;
Subali’t di rin nasupil, sa ‘Dasalan ni Del Pilar,
Tinuligsa ang” Fraile”, pumutok na parang bulkan!
VI.
Sumigaw sa Balintawak ang Ama ng Katipunan,
Nagbangon at naghimagsik mga anak nitong bayan;
Sa kampilan at palasan napipilan ang gahaman,
REPUBLIKA PILIPINA, sa Malolos nagwagayway.
VII.
Subali’t ang wikang ito sadya yatang sawimpalad,
Sa pasigan nitong bayan dumaong ang bagong padpad;
Ang sanggol na Republika ay kinumos ng kanyang lakas,
Kabihasnan nama’y siyang pain niyang mapamihag.
VIII.
Nasakop na naman tayo, paarala’y itinatag,
Itinuro ang pagbasa, ang pagbigkas at pagsulat;
Ang wika ng banyaga ang nilinang, pinaunlad
at ang wikang katutubo, ibinawal ang pagbigkas!
IX.
Kalahating siglo halos binusalan,
Sa maraming taong singkad, dila nati’y tinalian;
Patakarang pinairal . . . anong higpit kung magbawal
Sa pagbigkas ng salitang minana mo sa magulang.
X.
Salamat kina Batute, Collantes at Gatmaitan,
Binuhay nila ang Tagalog sa kanilang Balagtasan;
Buti at may Lope K. Santos, Cirio H. Panganiban,
Sa surian nitong wika’y walang sawang pumatnubay.
XI.
Tumigil man itong mundo sa matining na pag-inog,
Ang araw man ay maglaho, patuluyan nang lumubog;
Pandamdam ko’y mamatay man, kahit dila ko lang maikilos,
Akin pa ring dadalitin Abakadang Taga-Ilog.
XII.
Akin pa rin bibigkasin, tula niyang maindayog,
Akin pa ring aawitin, kundiman niyang malamyos;
At ang huling-huli pati ang buhay bago malagot Diyos,
Ako ay PILIPINO, ang wika ko ay TAGALOG.
###